Mag U-UPCAT ba ang anak mo this weekend?

Aug 2, 2012 by

Aba, this weekend na pala ang UPCAT. Kaya ibinabalik namin ang Diliman Republic’s DEAR PARENTS : The UPCAT Advisory:

Dear Parent,

Isa ka ba sa mga magulang na may anak na mag-u-UPCAT this weekend? Napaka-nostalgic ‘no? 22 yrs ago (at least) eh ikaw ang nag-UPCAT. Sumakay ka pa ng pulang JD Transit papuntang Diliman.

¬†Pinababa mo pa kay mamang konduktor yung lawanit na bintana para makita mo si Oblation pag pasok ng UP. Medyo kabado ka pa kasi sabi ng nanay mo na kung di ka makapasa ng UP eh baka BS Vulcanizing na lang ang pakuha sa ‘yo. Pero pagkatapos ng exam eh hindi naman pala ganun kahirap. Ngayon turn na ng anak mo to try and enter the happiest place on earth. Grabe ‘no, how time flies when you’re having fun talaga. In the case of UP, time’s fun when you’re having flies.May mga tips kami na baka makatulong for this weekend:

TIP#1 WAG MASYADO UMASA. Yes, medyo brutal agad ang opening tip. Pero statistics don’t lie (only statisticians, sabi ng mga BS Math). Last year, 13,000 daw ang pumasa out of 67,000 examinees (2010, unofficial, correct me if I’m right). That’s less than 20% passing rate. So sa limang makikita nyong estudyante sa weekend, isa lang dun ang papasa. Kaya wag mo na silang masyadong tingnan. Pero don’t despair. Malaki daw ang role ng genetics sa intelligence. So kung UP ka, higher ang chance ni junakis na makapasa din. Kung UP pa ang asawa mo, naks, halos sigurado na yan.

TIP#2 THE PEP TALK. Sigurado namang ihahatid nyo ang anak nyo papuntang Diliman. On the way, bigyan nyo ng pep talk. Kahit nga mga sikat na tulad ni Jordan o ni Tiger Woods eh kailangan pa din ng pep talk before a big fight eh. So kwentuhan mo ng mga experiences mo nung college ka. Magsinungaling kung kinakailangan – mababait ang mga teachers, magaganda mga CR, madadali ang subjects, aircon ang mga rooms, etc. Pero wag na wag mong kalimutan na sabihin sa kanya na kung hindi dahil sa UP eh wala ka sa magandang estado ng buhay ngayon. (omit if not applicable)

TIP#3 VISUALIZATION. Yan ang technique na ginamit ni Michael Jordan noon. Tumatalon pa lang daw sya for a jump shot eh na-i-imagine na nyang sumu-shoot ang bola sa ring. Yan dapat ang drills para sa anak mo. Kukuha pa lang ng UPCAT eh feeling taga-UP na. And what’s the best visualization exercise for this? Aba, ibili mo ng Diliman Republic shirts, bags, clocks, ballers, hoodies o lanyards. Oo nga, medyo mahal ang Diliman Republic, pero anak mo naman yan. At ang laki ng matitipid mo kung sa UP nga sya makapasok. Eh papaano kung hindi makapasa? Puede naman daw ng isanla ang mga DR items.

Ayan, so pasyal na sa Store #35 sa Shopping Center sa Diliman.

Good luck. Kaya yan!!

Nagmamahal,Diliman Republic 

(Check out Diliman Republic’s Facebook Page here:¬†https://www.facebook.com/dilimanrepublic?ref=stream)
UPCAT__0021

Related Posts

Share This

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>